'Magpaliwanag ka!' - Lim
MANILA, Philippines - Hinamon kahapon ni Manila Mayor Alfredo S. Lim si 3rd District Councilor Letlet Zarcal na ipaliwanag ang pagkakasangkot nito sa ordinansang nagbigay ng pitong taon pa sa Pandacan oil depot upang manatili sa lungsod hanggang 2013.
Ang paghamon ni Lim ay kasabay ng pagdawit ni Zarcal sa pangalan ng alkalde sa umano’y kontrobersiyal na draft ordinance.
Ayon kay Lim, si Zarcal ay isa sa mga principal authors ng City Ordinance 8119 noong Hunyo 16, 2006 o ang Manila Comprehensive Land Use Plan and Zoning Regulation of 2006 na inaprubahan naman ni dating Manila Mayor Lito Atienza. Dito, pinapayagan ang tatlong malaking kumpanya ng langis na magpatuloy ng kanilang operasyon sa Pandacan hanggang 2013.
Iginiit ni Zarcal na si Lim ang umano’y responsable sa paghahain ng proposed ordinance ni 1st District Councilor Arlene Koa at sinasabing hawak umano ni Lim ang majority ng konseho.
Subalit ayon kay Lim, hiwalay ang kanyang kapanyarihan sa City Council kung saan siya ay executive habang legislative naman ang konseho. (Doris Franche)
- Latest
- Trending