6-anyos ni-rape ng tanod

MANILA, Philippines - Kalaboso ang isang barangay tanod nang halayin ang 6-anyos na batang babae na anak ng kanyang kumpare sa Malabon City kamakalawa ng gabi. Naha­harap sa kasong statutory rape si Dennis Aguilos, 45 ng C-4 Road, Letre ng lungsod na ito. Samantala, ang biktima ay itinago sa pangalan Sheila, ng nabanggit na lugar. Sa ulat ng pulisya, alas-11 ng gabi nang madatnan ng ama ng biktima sa loob ng kanilang bahay na naka­patong ang suspect sa kanyang anak. Nagtangka pang tumakas ang suspect subalit agad din itong nadakip ng mga awtoridad. (Lordeth Bonilla)

Show comments