MANILA, Philippines - Patay agad ang tatlo katao na kinabibilangan ng dalawang guro ng Department of Education (Dep Ed) sa naganap na salpukan sa pagitan ng isang pick-up at pampasaherong bus, kahapon ng umaga sa South Luzon Expressway ng Parañaque City.
Sa nakalap na impormasyon kay SPO1 Ramon Pagado ng NCR Highway Patrol, kinilala ang mga biktima sa pamamagitan ng kanilang ID na sina Nazario Caro, driver ng Nissan Terrano pick-up at dalawa nitong sakay na sina Nesena Caro, master teacher 1 ng Signal Village, Taguig City at Aurelio Guevarra, master teacher 2, residente ng Upper Bicutan, Taguig City kapwa ng DepEd, Division of Schools, Pasay City.
Batay sa paunang imbestigasyon, dakong alas-5 ng madaling-araw nang mangyari ang naturang insidente habang sinusundan ng Eagle Star bus na may plakang TXK 595 ang isang Nissan Terrano na may plakang YDA 895 nang biglang mawalan ng kontrol ang naturang SUV at bu mangga ito sa steel railing sa South Superhighway, bahagi ng Parañaque City. Dahil sa lakas ng impact, biglang umikot sa gitna ang pick-up dahilan upang sumalpok naman ito sa sumusunod na Eagles Star bus.
Sugatan naman sa nasabing insidente ang driver ng bus na si Alfredo Pereño at ang pasaherong si Jana Jahara na pawang nilalapatan ngayon ng lunas sa South Superhighway Medical Center.
Isang masusing imbestigasyon naman ang ka salukuyan pang isinasa gawa ng awtoridad upang alamin kung nagkaroon ng diperensiya sa makina ang Nissan Terrano o sad yang nakatulog ang driver nito habang minamaneho ang nasabing sasakyan na naging sanhi ng insidente.