^

Metro

Trahedya sa SLEX: 2 guro, 1 pa todas

- Rose Tamayo-Tesoro -

MANILA, Philippines - Patay agad ang tatlo katao na kinabibilangan ng dalawang guro ng Depart­ment of Education (Dep Ed) sa naganap na salpu­kan sa pagitan ng isang pick-up at pampa­saherong bus, kahapon ng umaga sa South Luzon Expressway ng Parañaque City.

Sa nakalap na impor­masyon kay SPO1 Ra­mon Pagado ng NCR High­way Patrol, kinilala ang mga bik­tima sa pa­ma­magitan ng kanilang ID na sina Na­zario Caro, driver ng Nissan Terrano pick-up at dalawa nitong sakay na sina Ne­sena Caro, master teacher 1 ng Signal Village, Taguig City at Aurelio Gue­varra, master teacher 2, resi­dente ng Upper Bicu­tan, Taguig City kapwa ng DepEd, Divi­sion of Schools, Pasay City.

Batay sa paunang im­bestigasyon, dakong alas-5 ng madaling-araw nang mangyari ang natu­rang insidente habang sinusun­dan ng Eagle Star bus na may plakang TXK 595 ang isang Nissan Terrano na may plakang YDA 895 nang biglang mawalan ng kontrol ang naturang SUV at bu­ mangga ito sa steel railing sa South Superhigh­way, ba­hagi ng Parañaque City. Dahil sa lakas ng im­pact, biglang umikot sa gitna ang pick-up dahilan upang su­malpok naman ito sa sumu­sunod na Eagles Star bus.

Sugatan naman sa nasabing insidente ang driver ng bus na si Alfredo Pereño at ang pasahe­rong si Jana Jahara na pawang nilalapatan nga­yon ng lunas sa South Superhigh­way Medical Center.

Isang masusing im­bestigasyon naman ang ka­ salukuyan pang isina­sa­ gawa ng awtoridad upang alamin kung nag­karoon ng diperensiya sa makina ang Nissan Terrano o sad­ yang naka­tulog ang driver nito ha­bang minamaneho ang nasabing sasakyan na naging sanhi ng in­sidente.

vuukle comment

ALFREDO PERE

AURELIO GUE

CARO

DEP ED

EAGLE STAR

EAGLES STAR

NISSAN TERRANO

SHY

SOUTH SUPERHIGH

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with