^

Metro

Misis nagpasagasa sa LRT, buhay!

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Tulala dahil sa kahirapan sa buhay kung kaya umano hindi namalayan ng isang 41- anyos na ginang kung paano siya napunta sa Light Rail Transit (LRT)-Tayuman station at sinalubong ng talon ang paparating na biyahe. Gayun­man, himalang gasgas lamang at pasa ang tinamo, kahapon ng umaga sa Maynila.

Matapos ipasuri sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ay agad ring pinauwi ang biktimang si Te­resita Tagle, walang trabaho, residente ng Cabangis St., Tondo, Maynila matapos walang makitang malubhang pinsala sa katawan nito.

Sa pahayag ng tagapag­salita ng LRTA na si Tina Cacion, dakong ala- 9:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa mismong riles sa Tayuman station , southbound o patungong Baclaran.

Sinabi umano ng mga pasahero na nakita na lamang nila na pabalik-balik ang bik­tima sa paglalakad habang naghihintay sa pagdating ng tren na magmumula sa Monu­mento at bigla na lamang umanong tumalon nang pa­parating na ang tren.

Masuwerteng pumailalim ito sa pagitan ng riles kahit na­daanan ito ng tren kaya hindi naman nasawi bagkus ay gasgas lamang dulot ng pag­talon at pasa ang natamo.

Medyo naantala ang ope­rasyon ng LRT dahil sa ilang mi­nutong paghugot sa kata­wan ng ginang na nasa ilalim ng tren.

Sinabi umano ng ginang na totoong namo­m­rob­lema siya sa liit ng kinikita ng mister at hindi sapat sa kanila dahil may tatlo silang anak.

Bibili lamang umano siya ng isang kilong bigas at dahil sa sobrang pag-iisip ay natagpuan na lamang ang sarili sa LRT. Hinala umano ng mga doktor, posibleng naapektu­han ang isip ng ginang dahil sa  problema.

Minabuti ng pamunuan ng LRTA na huwag nang sam­pahan pa ng kaso ang ginang dahil sa awa rito.

BACLARAN

BIBILI

CABANGIS ST.

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

LIGHT RAIL TRANSIT

MAYNILA

SHY

SINABI

TAYUMAN

TINA CACION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with