^

Metro

6-anyos lasog sa nakalas na gulong ng trak

-

MANILA, Philippines - Isang 6-anyos na batang babae ang nasawi matapos magulungan nang kumalas na gulong sa isang trailer truck sa Malabon City kamakalawa ng gabi. Dead on arrival sa Manila Central University Hospital sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si Rose­lyn Reyes, ng Guyabano St., Brgy. Potrero ng lung­sod na ito. Nakakulong na­man si Rizalde Hernandez, 34 ng San Ildenfonso, Bula­can at driver ng trailer truck (XG-835). Batay sa ulat, alas-9:45 ng gabi, nag­lalakad ang biktima kasama ang tatlong ka­anak sa kahabaan ng Gov. Pascual St., Barangay Potrero habang dumadaan ang trailer truck na mima­neho ni Hernandez na big­lang kumalas ang kaliwang hulihang gulong nito. Na­tum­bok ang bik­tima ng gulong na naging dahilan ng pagkamatay nito ha­bang bahagyang nasuga­tan ang mga ka­anak nito. Agad na dinala ang biktima sa nabanggit na paga­mutan habang dinakip na­man ng mga pulis si Her­nan­dez. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BATAY

BRGY

GUYABANO ST.

LORDETH BONILLA

MALABON CITY

MANILA CENTRAL UNIVERSITY HOSPITAL

PASCUAL ST.

RIZALDE HERNANDEZ

SAN ILDENFONSO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with