Trike driver todas sa pinsan ng live-in partner

MANILA, Philippines - Todas ang isang tricycle driver makaraang pagsasaksakin ito ng pin­san ng kanyang kalive-in na babae na kanyang ina­way, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Nakilala ang nasawi na si Glen Valdez, 32, ng Abra St., Bago Bantay, ng na­turang lungsod. Pinag­ha­hanap naman ang tu­ma­­kas na suspect na nakila­lang si Vergel De­rueda, 24, isa ring tricycle driver at residente din ng nasa­bing lugar.

Base sa ulat ng Que­zon City Police District-Homicide Section, naga­nap ang insidente dakong alas-9 ng gabi sa loob ng bahay ng biktima.

Nabatid na bago ang pananaksak, kasaluku­yang nag-aaway si Valdez at ang live-in part­ner nito na si Mary Jane Obarin, 38, sa hindi malamang kada­hilanan.

Dumating naman sa bahay si Derueda at na­rinig ang pagtatalo ng da­lawa. Agad naman itong umak­yat sa kuwarto ng mag-live-in at ipinagtang­gol ang pinsan na si Obarin.

Nauwi naman ang pa­ki­­kialam ni Derueda sa mainitang pagtatalo sa pagitan ni Valdez hang­gang sa magbunot ng patalim ang una at ilang ulit na pinagsasaksak sa ka­tawan ang biktima.

Hindi pa umano na­kun­­tento ang suspect kung saan hinabol pa nito at muling pinagsasaksak ang biktima nang maka­takbo at magtangkang tu­makas ito. Mabilis na­mang tumakas ang sus­pek makaraan ang kan­yang pananaksak. (Danilo Garcia)

Show comments