Nakaw na alahas isinangla ng maid

MANILA, Philippines - Arestado ang isang katulong nang nakawin at isanla ang mga alahas ng kanyang amo na nagka­ka­halaga ng mahigit sa P.1 million sa Malabon City kamakalawa.

Naha­harap sa ka­song qualified theft si Joan Baquer, 24, stay-in maid sa Block 8, Phase 2, Barangay Lon­gos ng lungsod na ito.

Sa pahayag ng among si Diosdado Mon­gaya, 75, ng nasabing lugar, alas-3:00 ng hapon nang ma­laman niya na nawawala na ang kan­yang mga ala­has na a­abot sa halagang P117,000.

Kinompronta nito ang suspek na umamin na­man at pinakita pa ang mga papel de ahensiya ng mga alahas. (Lordeth Bonilla)

Show comments