Helper tinodas ng 9 na solvent boys

MANILA, Philippines - Nakatuwaang patayin ng siyam na sinasabing ‘solvent boys’ ang isang 29 anyos na helper nang itaboy sila nito sa kanilang tambayang bodega na pinapasukan ng biktima sa Tondo, Maynila, kaha­pon ng madaling-araw.

Binawian ng buhay ang biktimang si Eric Bue­naflor ng #530 Moriones st., Tondo dahil sa tina­mong mga saksak sa likod at dibdib at mukha at mga pasa sa katawan.

Tinutugis na ng mga awtoridad ang mga suspek na kinilala lamang sa mga alyas na “Elvin”at alyas “Dudok” at iba pang hindi nakilala na pawang nasa edad 15 hanggang 17-anyos, at mga residente ng Aguila St., Tondo.

Dakong hatinggabi nang kuyugin ng mga kaba­taan ang biktima sa harapan ng Plaza Mariones, Tondo.

Nakikipag-inuman ang biktima sa ilang kasama niya sa trabaho na sina Oscar Bilaos at alyas “Jessie” at nang maubos ang alak ay umalis ang bik­tima upang bumili ng sigarilyo sa kalapit na tindahan.

Nang makasalubong ang mga suspek ay binato umano ang biktima dahil sa dating may galit ang mga ito sa pagtataboy sa kanila na lumayo sa bodega nang makita silang natutulog doon.

Hindi pa nasiyahan ay nakita na lamang na pinag­­tutulungan nang saksakin ng siyam na kaba­taan ang biktima. (Ludy Bermudo)

Show comments