PRRC tutol din sa pagpapanatili ng oil depot

MANILA, Philippines - Malamang na masayang lamang ang proyekto ng pama­halaan at ng iba’t ibang sektor na malinis ang Pasig River kung patuloy na papayagan ang pananatili sa Maynila ng mga oil depot.

Ang hakbang ay reaksiyon ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) sa plano ng Manila Councilors na amyen­­dahan ang Ordinance 8119 o ang Manila’s comprehensive zoning plan na magreresulta ng posibleng pagpapanatili ng mga oil depot sa naturang lunsod.

“It is so unfortunate that when­ever we get to start some­thing good and worthwhile like cleaning up the Pasig River, something comes up to turn these efforts inutile,” pahayag ni Architect Deogracias Tablan, exe­cutive director ng Pasig River Rehabilitation Commission.

Ang PRRC ay pinangasi­waan ng Department of Environ­ment and Natural Resources (DENR). Partikular na kinokon­dena ni Tablan ang panukalang ordi­nansa ni Manila Councilor Arlene Koa na nagre-reclassify sa land zonings sa Maynila at ma-accommodate muli ang medium at heavy industries sa lunsod. (Angie dela Cruz)

Show comments