Obrero nahulog sa tanke ng tubig, dedo

MANILA, Philippines - Isang construction worker ang nasawi maka­ra­ang mahulog sa loob ng isang water tank sa Villa­mor Airbase sa Pasay City kahapon ng umaga. Na­matay noon din sa pinang­yarihan ng insidente ang biktimang si Jegar Binag, 33, stay-in laborer ng New Port Entertainment Com­mercial Center, Manlunas St., Villamor Airbase.  

Batay sa imbestigas­yon ni P03 Simon Respicio ng Station Investigation & Detective Management Section, dakong alas-7 ng umaga nang unang makita ang biktima na naglalakad sa unang palapag ng gina­gawang gusali patungong basement.   Makalipas ang halos isang oras ay natag­puan na lamang ng isa pang obrerong si Jordan Encarnacion, 25, ang bik­tima na nakahandusay at basag ang bungo sa loob ng naturang water tank ng ginagawang gusali.

Hini­nala ng pulisya na posib­leng nadulas ang biktima at nahulog ito sa loob ng water tank. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments