^

Metro

Go Kart mapanganib?

-

MANILA, Philippines - Nanganganib na ma­ipasara ang rentahan ng Go Kart sa Boom na Boom amusement center sa CCP Complex sa Pasay City matapos na lumabas sa imbestigasyon na hindi sumunod sa ilang pataka­ran ang pangasiwaan nito kaugnay sa kaligtasan ng kanilang mga mananakay o kustomer.

Ayon sa Pasay City Police, binubusisi nila ang nasabing Go Kart maka­ ra­­ang magreklamo ang bik­timang si Anacleta Socoro Paredes, estud­yante at re­sidente ng na­tu­rang lunsod.

Malubhang nasugatan si Paredes matapos suma­kay sa Go Kart at banggain ng isa pang kart track noong Miyerkules.

Sa kabila ng tinamong mga pinsala na dinanas ng dalaga at paghingi nito ng saklolo, nilagyan lamang siya ng gamot at mistula pa siyang pinalayas ng mga tauhan ng naturang es­tabli­simyento.

Sa pagsisiyasat ng pu­lisya, lumitaw na nagku­lang sa tulong-medikasyon sa dalaga ang pamunuan at mga tauhan ng kart track ng Carmona Circuit Amuse­ment Center.

Bukod pa rito, nagka­roon rin ng kapabayaan ang dalawang tauhan ng kart track na dapat sanang nakatutok sa kaligtasan ng mga nagmamaneho ng mga Go Kart bukod pa sa kawalan ng seat belt sa mga pinapaupahang sa­sak­yan, mga luma rin ang helmet at ilan pang depek­tong nakita partikular sa ginamit sa Go Kart. (Rose Tamayo-Tesoro)

ANACLETA SOCORO PAREDES

AYON

CARMONA CIRCUIT AMUSE

GO KART

KART

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with