^

Metro

Anak binuhusan ng ina ng kumukulong tubig

-

MANILA, Philippines - Inaresto at ikinulong kahapon ng pu­lisya ang isang ginang at ang kinakasama nitong lalake makaraang pagmalupitan nila at mabuhusan niya ng kumukulong tubig ang kanyang limang taong gulang na anak na lalake sa Parañaque City.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Marian Ostinado, 28-anyos, at live-in partner nitong si Allan dela Cruz, kapwa residente ng 59 Sampaguita St., Purok 1, Clinic Ville, B.F. Homes, sa nabanggit na lunsod.

Ilang kapitbahay ang nagsumbong sa pulisya hinggil sa kalupitan ng mga suspek sa biktimang itinago sa alyas na Alvin na ang pinakahuling insidente ay ang pag­buhos sa bata ng kumukulong tubig noong Marso 16.

Natuklasan ang pagmamalupit sa bata nang dumalo sa isang kasalan ang mag-live-in sa Ubando, Bulacan at iniwan nila ang biktima sa kanilang kapitbahay na sina Emily at Sonny. Habang pinapaliguan at nang buhusan na ni Emily ng malamig na tubig ang bata ay bigla itong bumunghalit ng iyak. Iyon pala ay bunga ng hapdi sa magang-maga pa nitong nalapnos na hita.

Nang usisain ang bata, ipinagtapat nito na binuhusan siya ng kumukulong tubig ng kanyang ina sa loob ng kanilang bahay at pinagmamalupitan rin maging ng kinakasama nito.

Napag-alaman na ang tunay na ama ng bata ay nakakulong dahil sa pagka­kasangkot sa isang krimen hanggang sa makisama ang ina nito sa amain.

Mula nang magsama sina Ostinado at De La Cruz ay lagi umanong pinagmama­lupitan ng mga suspek ang biktima.

Inamin naman ni Ostinado na nabigla lamang siya nang buhusan niya ng kumu­kulong tubig ang kanyang anak dahil sa nakukulitan siya rito. Hindi naman pina­kinggan ng awtoridad ang alibi ng ginang at sa halip ay tuluyan silang ikinulong ng kanyang ka-live-in at kapwa sinampahan ng kasong paglabag sa Child Abuse Law. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ALVIN

BULACAN

CHILD ABUSE LAW

CLINIC VILLE

CRUZ

DE LA CRUZ

MARIAN OSTINADO

OSTINADO

ROSE TAMAYO-TESORO

SAMPAGUITA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with