3 Chinese tiklo sa P200-milyong shabu

MANILA, Philippines - Dalawang chemist at isang operator na pa­wang mga Chinese na­tional ang nadakip maka­raang sala­kayin ng mga awto­ ridad ang isang shabu labora­tory sa San Rafael, Balut, Tondo, Manila kama­ka­lawa ng gabi.

Nasamsam sa ga­waan ng shabu ang P200 milyong halaga ng me­tam­phetamine hydro­chloride na mas kilala bilang shabu, finished product o powder form, liquid shabu o unfinished product, lutuan, mga sang­­kap at iba pang ka­gamitan sa paggawa ng naturang droga.

Kabilang sa mga su­malakay sa shabu labo­ratory na nasa H. Lopez Blvd. sa San Rafael   ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation, Philippine Drug Enforce­ment Agency, at Manila Police District.

Iniharap kahapon sa isang pulong balitaan ang mga suspek na sina Wu Tzu Chuan, isang Taiwa­nese national; Chein Juin Yang, mula sa mainland China; at Lito Ang, oku­pante ng buong ikatlong pa­lapag sa isang gusali sa naturang lugar na gina­wang pagawaan ng shabu.

Nadakip ang tatlo ba­tay sa impormasyong ibi­nigay sa NBI ng Ministry of Justice and Investi­ga­tion Bureau ng pamaha­laan ng Taiwan.

Patuloy pa sa imbes­tigasyon ang NBI upang alamin ang nasa likod o pro­tector ng grupo at kung paano sila naka­pag­pasok sa bansa ng mga iligal na sangkap ng shabu.

Show comments