Inambus na DPWH official, namatay na

MANILA, Philippines - Bumigay na kahapon si Dept. of Public Works and Highway (DPWH) Under­secretary Ramon Aquino makaraan ang walong araw na paki­kipaglaban kay kama­tayan sa Manila Doc­tor’s, sa U.N. Avenue. Ermita, Maynila.

Kinumpirma ito ka­ ha­pon ni Supt. Rogelio Ro­sales, hepe ng Ma­nila Police District-Station 5, ang tuma­tayong taga­pag­­salita ng binuong Special Task Force Aquino.  

Dakong alas-3:58 ng hapon nang ideklarang patay si Aquino nina Dr. Camilo Roa at Dr. Dante Morales, kapwa attend­ing physician ng Manila Doc­tor’s Hospital bunga umano ng multiple organ failure.

Marami pa umanong naging kumplikasyon ang sakit  sa katawan ni Aqui­no mula nang ito ay tam­ba­ngan noong Marso 11, 2009, alas-3:15 ng hapon sa gate ng DPWH sa Bonifacio Drive.

Nadamay sa pana­nambang ang close aide na si Antonio Canaleta at driver na si Victor Sa­longa, na nadaplisan lamang ng bala sa mukha at kamay, na gina­gamot din sa na­sabing ospital.

Bukod sa apat na la­laking tumakas sakay ng motorsiklo, isang baba­eng suspek na nagsilbing look-out din ang pinag­hahanap ng Task Force Aquino. (Ludy Bermudo)

Show comments