^

Metro

Pagpapanatili sa Pandacan oil depot, nakalusot sa konseho

-

MANILA, Philippines - Tuluyan nang lumusot sa City Council ng Maynila ang amended ordinance na inihain ni Manila First District Councilor Arlene Koa kung saan, pinapa­yagan nito ang pananatili ng mga oill depot sa Pandacan, Maynila.

Inabot ng halos limang oras ang naging delibe­ras­yon at tensiyon sa usapin sa pagpasa nito hanggang sa magbotohan kung saan 20 konsehal ang pumabor dito, 11 naman ang tutol ha­bang nag-abstain na­man si 6th District coun­cilor at Pro tempore Er­nesto Rivera.

Matapos ang botohan ay binigyan ng pagka­ka­taon ni Manila Vice Mayor at Presiding Officer Isko Moreno, ang ilan sa mga tutol na sina Lourdes Isip-Garcia.

Ipinaliwanag ni Isip na ang kanyang pagtutol sa pananatili ng Big 3 oil depots at Phimco ay ma­aaring magdulot ng pag­kamatay ng mga residente at maging ng mga emple­yado dito.

Aniya, hindi naman umano dapat na manatili ang mga hazardous faci­lities sa Maynila dahil mas mahalaga ang buhay. Ini­halintulad din niya ang Ilog Pasig na namatay dahil na rin sa iba’t ibang uri ng polusyon.

 Ayon naman kay 3rd District Councilor at Mino­rity Floor Leader Manuel Zarcal, ang desisyon tung­kol sa pagpapa-alis ng oil depot ay “final and exe­cutory” kung kaya’t hindi na dapat pang amyendahan.” Aanhin mo ang trabaho kung ang trabaho mo ang papatay sa iyo”, ani Zarcal.

Gayunman, sinabi naman ni 4th District coun­cilor at Majority Floor Leader Honey Lacuna-Pangan na ang kahirapan sa buhay ang isa sa kan­yang nakitang rason upang bigyan daan ang pananatili ng mga indus­triyang tulad ng oil depot at ng Phimco.

Inaasahan naman na muling magkakaroon ng mga pagkondena ukol dito, lalo na ang mga Manilenyo na naninirahan malapit sa mapanganib na oil depot. (Doris Franche)

CITY COUNCIL

DISTRICT COUNCILOR

DORIS FRANCHE

FLOOR LEADER MANUEL ZARCAL

ILOG PASIG

LOURDES ISIP-GARCIA

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with