^

Metro

Kano natagpuang patay sa apartelle

-

MANILA, Philippines - Isang turistang Kano ang natagpuang walang buhay sa pasilyo ng tinutuluyan nitong apartelle, kahapon ng madaling-araw sa Makati City.

Isang masusing imbestigasyon ngayon ang isinasagawa ng pulisya upang alamin ang naging sanhi ng pagkamatay ng bikti­mang si Mark Miller, 53, tubong-New York, USA at pansamantalang nanunuluyan sa Rm. 11 sa ikalawang palapag ng Bridgeview Apartelle, Makati Avenue, ng nabanggit na lungsod.

Lumalabas naman sa paunang imbestigasyon ng pulisya base na rin sa pahayag ng kaibigan ng biktima na si alyas “Belen” na wala namang grabeng sakit ang una na maaring mag-sanhi ng kanyang kamatayan.

Sa kasalukuyan ay inaalam pa ng mga imbestigador ng Station Investigation & Detective Management Branch ng Makati City Police kung sino ang posibleng kasama ng biktima sa loob ng kwarto nito makaraang madiskubre na magulung-magulo at nag­kalat pa ang bote ng beer sa unit nito bagama’t wala naman pala­­tandaan na nagkaroon ng puwersahang pagpasok sa silid nito.

Kinumpirma naman ng mga roomboy ng naturang apartelle na umorder ng beer sa counter ng hotel ang dayuhan at ipinadala sa kanyang silid kamakalawa ng gabi ilang oras bago pa man natagpuan ang kanyang bangkay. Hindi naman matiyak kung nilooban ang dayuhan hangga’t hindi pa nasusuri kung may nawala sa kanyang mga personal na gamit. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

BRIDGEVIEW APARTELLE

DETECTIVE MANAGEMENT BRANCH

ISANG

MAKATI AVENUE

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MARK MILLER

NEW YORK

ROSE TAMAYO-TESORO

STATION INVESTIGATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with