^

Metro

P8.4-milyon drug shipment naglaho sa Bureau of Customs-NAIA

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Nasa hot water ngayon ang ilang kawani ng Bureau of Customs (BOC) na naka­base sa Ninoy Aquino Inter­national Airport (NAIA) maka­raang ireklamo ng isang multi-million drug firm bunsod nang pagkawala ng kanilang drug shipment na nagkakahalaga ng P8.4 milyon.

Isang masusing imbesti­gasyon na ang isinasagawa ng Customs Internal Investi­gation and Prosecution Divi­sion laban sa mga BOC offi­cers na hindi muna pinanga­lanan dahil sa pagkasangkot sa pagkawala ng shipment. Sila ay nakatakdang sampa­han ng kasong administratibo sa Office of the Ombudsman.

Naghain ng reklamo ang Zuellig Pharma Corp. makara­ang mawala ang ka­nilang drug shipment na du­mating sa BOC-NAIA kama­kailan mula sa Estados Unidos na nagka­kahalaga ng P8.4 milyon nang biglang mawala ang shipment habang nilalakad nila ang pagpapa­labas nito noong Marso 2, 2009.

Dahil sa nasabing pagka­wala ng mga kargamento, sumulat ang Zuellig Pharma Corp. sa pamamagitan ng abogadong si Jon Michael Alamis kay Customs Commis­sioner Napoleon Morales para mahanap ang shipment.

Matapos naman ang pag­si­siyasat, napag-alamang na­ilabas sa BOC ng kinata­wan ng Majestic Freight For­warder­s ang nasabing mga gamot sa pamamagitan ng pag­gamit umano ng mga pekeng dokumento.

Base sa sulat ni Alamis kay Morales, ayaw na umanong ibigay ng Majestic Freight Forwarders ang kanilang ship­ment hangga’t hindi umano nababayaran o mapapalitan ng kanilang drug company (Zuellig) ang P1.478 milyon na duties at taxes na ibinayad naman ng Majestic sa Cus­toms upang mailabas ang naturang shipment.

Dahil sa walang pahintulot na pagpapalabas ng kanilang shipment sa pakikipagsabwa­tan ng mga tiwaling BOC officers sa NAIA, minabuti ng drug company na humingi na ng tulong kay Morales para marekober ang mga gamot at ireklamo ang mga sangkot dito.

Maging ang National Bureau of Investigation (NBI) ay nakatakdang magsagawa na rin umano ng sarili nilang imbestigasyon hinggil sa nasabing kaso.

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS

CUSTOMS COMMIS

CUSTOMS INTERNAL INVESTI

DAHIL

ESTADOS UNIDOS

JON MICHAEL ALAMIS

MAJESTIC FREIGHT FOR

MAJESTIC FREIGHT FORWARDERS

SHY

ZUELLIG PHARMA CORP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with