^

Metro

Hirit na buksan ang oil depot, kinondena

-

MANILA, Philippines - Kinondena ng minority councilors ng Maynila ang pag­susulong na muling mabuksan ang Pan­dacan oil depot.

Sa pamamagitan ng isang ordinansa inihain ni 1st district Councilor Arlene Koa, na sina­sabing ally ni Mayor Alfredo Lim, hini­hiling nito ang pag-amend sa City Ordinances 8027 at 8119 para sa pagpapanatili pa sa mga oil depot sa Pandacan, Maynila.  

Ayon kina Councilors Joy Dawis-Asuncion at Bonjay Isip-Garcia, hindi nila malaman kung bakit kailangan i-repeal ng city government ang mga nauna nang ordinansa ukol dito na nagpo-protekta sa buhay ng mga Manileños.

Ito ay sa kabila na sumu­sunod na sa kasalukuyan sa mga rekwisitos ang “big- three” oil companies patungkol sa City Ordinance 8027 at 8119, para sa kanilang relocation at ope­rations transfer.

Ang pagpapatuloy umano ng operasyon ng mga ito sa Pandacan ay magdadala ng panganib hindi lamang sa buhay ng mga Manileño kundi maging sa national security.

Bunsod nito’y nangako si Isip-Garcia, principal author ng Ordinance 8119, na haharangin ang panukalang ordinansa ni Councilor Koa.

Iginiit din ng mga nasabing konsehal na hindi na maaari pang buhayin ang nasabing ordinansa dahil ito ay una ng tinuldukan ng Korte Suprema nang magpalabas ito ng desisyon na nag-aatas na isara ang naturang depot.

BONJAY ISIP-GARCIA

CITY ORDINANCE

CITY ORDINANCES

COUNCILOR ARLENE KOA

COUNCILORS JOY DAWIS-ASUNCION

KORTE SUPREMA

MANILE

MAYNILA

MAYOR ALFREDO LIM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with