P6 pasahe sa jeep, isasapinal na ng LTFRB
MANILA, Philippines - Isasapinal na ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang isyu hinggil sa P6 minimum fare na giit ng “riding public” sa ahensiya para sa mga pampasaherong jeep sa buong bansa.
Ayon kay LTFRB chairman Alberto Suansing, kakausapin niya ang iba pang miyembro ng board sa ahensiya upang madesisyunan ang hinggil sa naturang pasahe na giniit para sa mga passenger jeepney.
Una nang naghain ng petisyon ang National Council for Consumer Protection (NCCP) na mula sa kasalukuyang P7 minimum fare sa passenger jeepney ay maibaba na lamang ito sa P6 dahil mababa na umano ang halaga ng krudo.
Kaugnay nitlo, bumagsak na naman ang presyo ng langis sa merkado kahapon dahil sa apela ng mga investor na ipagpatuloy ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) ang mentina sa kasalukuyan nilang production levels.
Sa kontrata ng New York’s, ang idedeliver na crude oil sa Abril ay mababawasan na naman ng $0.32 sa dating presyong $47.03 bawat bariles.
Sa Brent North Sea naman, ang kanilang May delivery ay bumagsak ng $0.56 sa $45.90 bawat bariles. Natapos na ang kanilang April contract noong Lunes na ang presyo naman ay $43.98.
Ayon sa report, nagdesisyon ang Opec noong Linggo sa Vienna, Austia meeting na pabayaan ang kanilang mga miyembro sa datihang production.
- Latest
- Trending