^

Metro

Reporter, cameraman nabugbog na, ikinulong pa

-

MANILA, Philippines - Dobleng kamalasan   ang inabot ng isang tele­vision reporter at camera­man na matapos pagtulu­ngang bugbugin ay ipina­kulong pa ito ng mga ta­uhan ng Quezon City Po­lice District (QCPD)   ha­bang ginagam­panan ang kanilang trabaho bilang mamamahayag sa loob ng istasyon ng pulisya.

Ikinulong dahil sa ka­song “un­just vexation” sa detention cell ng Batasan Police Station 6 sina ABS-CBN/DZMM reporter Dex­ter Ganibe at camera­man Benedicto Ganilo na na­agrabyado na ay ikinu­long pa sa QCPD-Station 6.

Idinetine rin naman da­hil sa kasong slight physical injuries ang mga suspek na sina Jacqueline at Luchi Grace Maulayon at si Eddie Masurong na pa­wang mga sumalakay umano sa dalawang media­men.

Sa inisyal na ulat, na­batid na naganap ang insi­dente kamakalawa ng hapon sa loob ng investi­gation section ng Batasan Police Station 6.

Sinabi ni Ganibe na napansin niyang nagrereklamo ang magkapatid na Maulayon ukol sa isang insidente sa parking area sa kanilang subdibisyon at bilang mamamahayag ay nag-usyoso ito upang mabatid kung maaari itong gawing isang istorya.

Dito napagbalingan ng galit ni Jacqueline Maula­yon si Ganibe na sinabi nitong padala umano ng kanyang kalaban. Nagulat na lamang si Ganibe nang salakayin umano siya ng magkapatid, pilit na ina­agaw ang kanyang cell­phone habang pinagsu­sun­tok, sinaksak ng ball­pen at pinagsisipa ito. Tu­mulong rin umano si Ma­surong na nanuntok rin sa kanya.

Inireklamo rin ni Ga­nibe ang desk officer ng istasyon na isa umanong SPO2 Valeroso na sa halip na umawat ay nagpatakot sa magkapatid na Maula­yon na nagbanta sa pulis na ipasisibak ito sa ser­bisyo dahil sa kanila uma­nong impluwensya sa Office of the Ombudsman at maging kay Pangulong Arroyo.

Nabatid pa na staff ng isang hindi pinangala­nang congressman si Luchi Grace.

Matapos mapayapa ang sitwasyon, dumating naman sa naturang istas­yon si Ganilo na sinalakay rin umano ng magkapatid na Maulayon. Dito umano sinira ang camera at tina­ngay ang tape nito ng mga suspek.

Ipinagtanggol naman ni Supt. Antonio Yarra, hepe ng Station 6 ang kanyang mga tauhan na umano’y ginawa naman ang lahat para mapayapa ang mag­ka­bilang grupo.

Sinabi nito na kinailangan talagang ipakulong sina Ganibe at Ganilo dahil sa sinam­pahan ang mga ito ng kaso habang ikinulong rin ang magka­patid na Maulayon at si Masurong. (Danilo Garcia)

ANTONIO YARRA

BATASAN POLICE STATION

BENEDICTO GANILO

DANILO GARCIA

DITO

EDDIE MASURONG

GANIBE

MAULAYON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with