^

Metro

Ama nahulog mula 14th floor, todas

-

MANILA, Philippines - Isang malaking pala­isipan ngayon sa pulisya ang pagkamatay ng isang ama kung sadya ngang nahulog ito o inihulog mula sa ika-14 na palapag ng isang gusali sa Parañaque City kahapon ng tanghali.   

Nagkalasug-lasog at na­ basag ang bungo ng biktima na kinilalang si Charlie Jau­cian, 42 anyos, residente ng 18-Goldenlane Subdivision, Anabu, Imus, Cavite.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Johnny Margate, may hawak ng kaso, dakong alas-12:45 ng tanghali nang mangyari ang insidente sa Bayview Tower II Condominium, Brgy. Tambo, Roxas Boulevard, Parañaque City.      

Ang biktima ay unang pumunta sa naturang gusali upang dalawin sa inuupa­hang condominium ang kanyang kaanak na isang Dr. Jaucian sa 1403-A ng Bayview Tower. Ilang oras ang nakalipas, mula sa natu­rang palapag, ang bik­tima ay biglang bumagsak sa harapan mismo ng gu­wardiya ng naturang gusali na si Pablo Toria dahilan upang magkalasog-lasog ang katawan ng una at agaran itong masawi.

Kaugnay nito, inaalam pa ng mga imbestigador kung nagkaroon ng “foul play” sa pagkakahulog ng biktima mula sa nasabing palapag ng gusali. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

BAYVIEW TOWER

CHARLIE JAU

DR. JAUCIAN

GOLDENLANE SUBDIVISION

JOHNNY MARGATE

PABLO TORIA

ROSE TAMAYO-TESORO

ROXAS BOULEVARD

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with