Tindero nagbuwis ng buhay sa baterya ng cellphone

MANILA, Philippines - Isang 26-anyos na tin­dero ang pinaslang ng isang tricycle driver nang singilin niya ito sa utang nitong ba­terya ng cellphone sa Sta. Mesa, Manila kama­kalawa ng hapon.

Wala nang buhay nang maisugod sa UERM hospital ang biktimang si Mahai­men Gambao, binata, ng 484 Damba, Sta. Mesa dahil sa mga tama ng saksak sa kanyang katawan.

Pinaghahanap ng pulisya ang suspek na nakilala lang sa alyas na Alex na tina­tayang 28-35 anyos at may taas na 5’4 hanggang 5’5.

Dakong alas-4:00 ng hapon nang, pagkakita ni Gambao kay Alex sa para­dahan ng tricycle, siningil niya ito sa utang nitong baterya ng cellphone.

Sa halip na magbayad, sinabihan pa ng suspek ang biktima ng “Magbabayad ako kung kailan ko gustong magbayad.”

Nagkainitan ang dalawa hanggang sa nakita na la­mang na inundayan ng sak­sak ang biktima at ma­bilis na tumakas ang sus­pek. (Ludy Bermudo)

Show comments