^

Metro

Menor-de-edad, bawal na sa internet sa Maynila

-

MANILA, Philippines - Matapos na maipasa ang City Ordi­nance laban sa mga internet shop, mag­hi­­higpit na ang city government at babawa­lan na ang mga menor-de-edad na puma­sok sa mga internet shop ka­sabay ang pagbabawal sa 24 oras na operation ng mga ito.

Ito ang nakasaad sa City Ordinance No. 8168 ng Manila City Council na isinu­long nina District Councilor Atty. Joel Chua, Dist. 4 Councilors Honey Lacuna-Pangan at Vic Melendres. Layunin ng na­sabing ordinansa na bigyan ng specific work­ing hours at gayundin ng takdang dis­tansya ang mga nag-ooperate ng mga internet shop sa Maynila. Dagdag pa rito ay hindi rin dapat na lagyan ng dibisyon o partisyon ang lahat ng mga internet shop upang maiwasan ang mga kalaswaan sa loob nito.

Sinabi naman ni City Administrator Jesus Mari P. Marzan na napapanahon ang pagsasa-ordinansa ng regulasyon ng mga internet shop dahil na rin sa lumala­lang kaso ng cybersex sa mga kabataan.

Binanggit din ni Marzan na maliban sa mga konsehal at sa mga opisyal ng pama­halaan ay dapat na katuwang din aniya ang mga magulang upang disiplina­hin ang kanilang anak lalo na sa paggamit ng computer. (Doris Franche)

CITY ADMINISTRATOR JESUS MARI P

CITY ORDI

CITY ORDINANCE NO

COUNCILORS HONEY LACUNA-PANGAN

DISTRICT COUNCILOR ATTY

DORIS FRANCHE

JOEL CHUA

MANILA CITY COUNCIL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with