^

Metro

Puganteng Kano, timbog ng Bureau of Im­migration

-

MANILA, Philippines - Arestado ng Bureau of Im­migration (BI) ang isang 60-an­yos na puganteng Ameri­kano na mayroon kasong drug traf­ficking sa Hawaii.

Kinilala ni Immigration Com­missioner Marcelino Libanan ang pugante na si Rizal Balgos na kasalukuyang nakapiit sa BI detention center sa Bicutan ma­tapos na magtago dito sa Pili­pinas ng halos dalawang taon.

Si Balgos ay naaresto noong Marso 6 ng mga operatiba ng BI law enforcement division sa harap ng kanyang bahay sa Brgy. Macate, Bambang Nueva Ecija. Naaresto ang suspek sa bisa ng mission order ni Libanan dahil na rin sa kahilingan ng US embassy sa Maynila.Kaagad namang ipapatapon pabalik sa kanilang bansa ang pugante upang harapin ang kanyang kasong kriminal.

Sinabi naman ni BI Asso­ciate Commissioner Enrique Galang, si Balgos ay mayroong arrest warrant mula sa US District Court sa Hawaii noong 2007 dahil sa narcotics distri­bution. Bukod dito si Balgos ay sangkot din umano sa cor­ruption kasabwat ang mga opis­yal ng Kauai police department na umanoy protektor nito sa kanyang drug dealing activities.

Lumalabas din sa record ng BI na si Balgos ay overstaying alien simula ng dumating ito sa bansa noong August 20, 2006, bukod dito kinansela na rin ng pasaporte nito ng US govern­ment.   (Gemma Amargo-Garcia)

BALGOS

BAMBANG NUEVA ECIJA

BUREAU OF IM

COMMISSIONER ENRIQUE GALANG

DISTRICT COURT

GEMMA AMARGO-GARCIA

IMMIGRATION COM

MARCELINO LIBANAN

RIZAL BALGOS

SHY

SI BALGOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with