^

Metro

Houseboy 'nag-harakiri'

-

MANILA, Philippines - Isang 22 -anyos na houseboy ang nasa kritikal na kondisyon makaraang magsaksak sa sarili ng dalawang beses sa loob ng servant’s quarter, sa Sta. Mesa, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nadiskubreng duguan at nakabaon pa ang kutsilyo sa tiyan ng biktimang si Jonathan Pascua, houseboy ng Aqua Fine Mineral Water  at stay-in sa #719-A Bagum­bayan St., Bacood, Sta Mesa, Maynila.

Sa ulat ni Supt. Jimmy Tiu, hepe ng Manila Police District-Station 8, dakong alas-8:20 ng gabi nang datnan sa ganoong kalagayan ni Ronadel Rovan ang biktima sa loob ng servant room ng Aqua Fine Mineral Water sa naturang lugar. Sinabi ni Belen Collantes, 45, amo ng biktima na ipinatawag niya ito sa isa pa niyang tauhan na si Rovan at sinabi sa kaniya na duguan ang biktima kaya isinugod sa Lourdes Hospital habang nakabaon pa umano ang patalim sa kanyang tiyan.

Nakita naman ng rumespondeng mga pulis na may dalawang saksak sa tiyan ang biktima kaya patuloy pang inaalam kung mag-isa itong nagsaksak sa sarili o may iba pang sangkot.

Ibinunyag ni Collantes sa pulisya na nag-away umano ang biktima at misis nito bago pa natuklasang may saksak na ang biktima. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

A BAGUM

AQUA FINE MINERAL WATER

BELEN COLLANTES

JIMMY TIU

JONATHAN PASCUA

LOURDES HOSPITAL

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MAYNILA

RONADEL ROVAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with