^

Metro

LPG nakaamba ang pagtaas ng presyo

-

MANILA, Philippines - Matapos na magpa­iral ng rollback sa ka­nilang pro­duktong diesel at kero­sene ang ilang kompanya ng langis ay nagbabala naman ang dealer ng lique­fied petro­leum gas ng pagtataas ng presyo ng cooking gas sa susunod na buwan ng Abril.

Ang aksyon ay ipina­ra­ting ng LPG Marketers Association (LPGMA) dahil sa panibagong pagtaas ng contract price nito sa world market. Sinabi ni LPGMA pre­sident Arnel Ty, ang P1 rollback na ipinairal ng kan­yang grupo noong naka­lipas na linggo ay pinakahuli na ngayong buwan ng Marso.

Idinagdag pa ni Ty, ang LPG price hike ay ina­asa­han pang magpa­pa­tuloy sa unang da­lawang linggo ng buwan ng Abril subalit hindi singtaas ng kanilang calculations.

Sa Latest monitoring ng LPGMA ang bansang China ay patuloy ang pag-iipon ng LPG stock ma­tapos na ang contract price nito sa world market ay umabot sa $450 per metric ton at tumigil nang pumalo sa $600 per metric ton.

Inamin ni Ty na isang oil firm sa bansa ang na­simula nang i-divert ang kanilang produkto sa ban­sang China, dahilan upang tumaas ang demand ng produktong petrolyo dito.

Ayon kay Ty, pagtaas ng contract prices ng LPG sa international market ay naging daan sa Organi­zation of Petroleum Ex­porting Countries na mag­bawas ng produksyon para mapanatili ang bagong presyo.

Noong nakalipas na linggo ay nagpatupad ng P2 per kilograms na roll­back ang LPGMA o ka­tumbas ng P22 per 11 kilo­grams na tangke kung saan ay umabot sa P8 ang ibinaba kada kilo simula sa buwan ng Pebrero.

Ang LPGMA ay nag­su-supply ng 30% ng cooking gas sa buong Luzon area tulad ng Pinnacle Gas, Re­gasco Gas, M-Gas, Cat Gas, Omni Gas, Nation Gas, at Island Gas. (Ricky Tulipat at Rose Tamayo-Tesoro)

ABRIL

ARNEL TY

CAT GAS

GAS

ISLAND GAS

MARKETERS ASSOCIATION

NATION GAS

OMNI GAS

SHY

TY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with