^

Metro

2010 election sa Quezon City, star-studded

-

MANILA, Philippines - Inaasahang magiging star-studded ang halalan para sa mga lokal na posisyon sa Quezon City sa darating na May 2010 elections na siyang nag­pa­patunay sa taguring City of Stars sa lungsod.

Maliban sa posibleng mag­tunggaling alkalde na si Vice Mayor Herbert Bautista at ang konsehal ng district 4 na si Ariel Inton na nangangarap rin ma­ging alkalde, marami ng artista ang nagpapakita ng interes na makakopo ng posisyon sa siyudad.

Gaya na lamang ng balita na may intensiyon na kumandidato ang action star na si Dan Alvaro, na kinakausap na umano ni 2nd District Repre­sentative Annie Rosa Susano upang tumakbo bilang konsehal sa ilalim ng partido ng mamba­batas.

Matunog din ang pangalan na kakandidato sa ikalawang distrito ng lungsod si Alfred Vargas na kinakausap na rin umano ni Susano upang maka­sama sa tiket nito.

Sinabi ni Alvaro, matagal na umanong nakikipag-ugnayan ang kampo ng kongresista kay Vargas upang mahikayat itong pumalaot sa pulitika nang mas makapaglingkod sa kanyang mga kababayan.

Ilan pa sa kilalang persona­lidad sa showbiz na matunog na sasabak sa halalan sa Q.C. sina Arnell Ignacio, na kakandidato umanong konsehal sa unang distrito, Jigo Garcia sa ikaapat na distrito at si Dingdong Dantes.

Gayundin sina Digs Esco­ ber ng 3th district na nagnanais rin tumakbo ng pagka-kon­sehal at Ara mina, na balitang kakandi­dato rin umano. (Angie dela Cruz)

ALFRED VARGAS

ANNIE ROSA SUSANO

ARIEL INTON

ARNELL IGNACIO

CITY OF STARS

DAN ALVARO

DIGS ESCO

DINGDONG DANTES

DISTRICT REPRE

JIGO GARCIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with