^

Metro

Sunog: 100 pamilya nawalan ng bahay

-

MANILA, Philippines - Tinatayang may 100 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na naganap sa isang squatters’ area sa   San Andres Bukid, Maynila, ka­hapon ng madaling-araw.

Tatlo katao na hindi na natukoy ang pangalan ang nagtamo ng minor burns nang tangkain umanong apulain ang apoy na nagsimula sa  tahanan ng isang Felizardo Agustin na mata­tagpuan sa #2453 Radium st., San Andres Bukid katabi ng Dagonoy market.

Sa ulat ng Manila Fire Bureau, dakong alas- 2:55 ng madaling araw nang magsimula ang sunog na tumupok ng tinatayang may 40 hang­gang 50 kabahayan na umabot sa ika-4 na alarma at idineklarang fire-out dakong alas- 5:37 ng madaling-araw. Hindi kaagad napatay ang sunog dahil sa makipot na daan papasok sa mga kabahayang tinutupok ng apoy.

Inaalam pa umano ng mga awtoridad kung ano ang posibleng pinagmulan ng sunog, bagamat nakatanggap umano sila ng ulat na posibleng naiwanang kandila o short circuit sa illegal na koneksyon ng kuryente ang posibleng dahilan nito .Posibleng umabot din sa P1 milyon ang halaga ng mga ari-arian na napinsala sa sunog.  ( Ludy Bermudo)

DAGONOY

FELIZARDO AGUSTIN

INAALAM

LUDY BERMUDO

MANILA FIRE BUREAU

MAYNILA

POSIBLENG

SAN ANDRES BUKID

TATLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with