^

Metro

Sekyu kinatay ng kainuman

-

MANILA, Philippines - Wakwak ang tiyan ng isang 29-anyos na security guard ma­tapos saksakin habang nag­sasayaw ng isang kainuman, kamakalawa ng gabi  sa Tondo, Maynila. Binawian ng buhay sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Joseph Fuentes, alyas “Erap”, ng Gate 20, Area-H, Parola Compound, Tondo, bunga ng tinamong saksak sa tiyan.

Isang alyas “Ditoy Quling”, ang sinasabing pumaslang sa biktima at   ma­bilis tumakas ma­tapos ang isinagawang krimen. Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9 ng gabi nang maganap ang insidente sa may Gate 20, Area-H, Parola Compound.

Nabatid na naki­pag-inuman ang biktima, na umano’y off-duty kasama ang mga kaibigan. Nang magpa­simula umanong sumayaw ang biktima ay nag­sunuran namang nagsayawan ang iba pang kainuman nang bigla na lamang lapitan umano ng suspect at walang sabi-sabing sanaksak sa tiyan.

Hindi pa matukoy ng pu­­lisya kung may iba pang mo­tibo maliban sa posibleng pag­kaasar ng suspect sa pagsa­sayaw nito.   (Ludy Bermudo)

AREA-H

BINAWIAN

DITOY QULING

ERAP

GAT ANDRES BONIFACIO HOSPITAL

JOSEPH FUENTES

LUDY BERMUDO

PAROLA COMPOUND

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with