^

Metro

Kelot 'tinarget-practice' ng 2 sekyu, todas

-

MANILA, Philippines - Patay ang isang kelot ma­tapos na gawin itong “target practice” o sunud-sunod na pa­pu­tukan ng shotgun ng dala­wang guwardiya nang maaktu­han umano ng mga huli ang una na namumulot ng mga bakal sa loob ng binabantayan nilang kom­panya, kahapon ng ma­daling-araw sa Navotas City.

Halos mawarak naman ang katawan ng biktimang si Mar­celino Grey, 26, ng Jewel St., San Jose ng nabanggit na lungsod kung saan namatay ito noon din sa mismong pinang­yarihan ng insidente sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kan­yang katawan.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang mga guwardiyang ki­nilala lamang sa mga panga­lang SV Miraflor at RT Drafer ng Josefa Company na nasa Jewel St., San Jose, Navotas City.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-3:30 ng madaling-araw, nagroronda ang mga guwardiya sa loob ng nasabing kompanya nang makita ng mga ito si Grey na namumulot ng mga bakal.

Agad namang sinita ng da­lawang gwardiya si Grey su­ balit nagtatakbo ito na naging dahi­lan upang agad na pagba­barilin na ito ng mga una gamit ang ka­nilang mga bitbit na service shotgun. (Rose Tamayo-Tesoro)

BATAY

DRAFER

JEWEL ST.

JOSEFA COMPANY

MIRAFLOR

NAVOTAS CITY

ROSE TAMAYO-TESORO

SAN JOSE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with