16-anyos binuhusan ng kape sa mukha, pumatay

MANILA, Philippines -  “Nagdilim po kasi ang paningin ko nang buhusan niya ako ng kape sa mukha, kaya nasak­sak ko na siya.” Ito ang katwiran ng isang 16-anyos na bina­tilyo na itinago sa pangalang Enteng matapos na sumuko kay Senior Supt. Ramon de Jesusa, hepe ng Pasig City Police ilang oras matapos na mapatay sa saksak ang isang 34-anyos na si Salvador Benitez, ng Brgy. San Agustin sa nasabing lungsod.

Ayon sa binatilyo, nagpasya siyang sumuko sa awtoridad bunsod na rin ng pakiusap ng kan­yang kuya upang bigyang-linaw na ang kanyang ginawa ay pagdidipensa lamang sa kanyang sarili. Nangyari ang insidente dakong alas-4 ng madaling-araw sa may harap ng isang tindahan na pinapasukan niya sa Brgy. San Agustin sa nasabing lungsod. Habang nagbabantay umano ang binatilyo ay dumating si Benitez na lasing at pinagtripan ang una sa pamamagitan ng pana­nakot na papatayin ito.

Ayon sa binatilyo, humingi muna ng kape ang biktima kasabay ng makailang ulit na hinampas nito ang mesa at bangko ng kanilang tindahan na binabalewala lamang niya dahil alam niyang lasing ito. Sinasabing humantong sa pananaksak ang insidente nang awatin ang biktima ng kan­yang tiyahin at may-ari ng tindahan na si Editha Tidalgo kung saan lalong ikinagalit nito saka binuhasan ang suspek ng kape sa mukha.

Dito na nagdilim ang paningin ng binatilyong suspect kasabay na dumampot ng patalim at tina­rakan ang biktima sa dibdib saka tumakas. Nagawa pang itakbo sa Pasig City General Hos­pital ang biktima ngunit idineklara din itong patay.

Ang binatilyo ay nasa pangangalaga nga­ yon ng lokal na Department of Social Welfare and Develop­ment (DSWD) para sa kaukulang disposisyon. (Ricky Tulipat)

Show comments