^

Metro

Dinampot na rugby boy nasaan?

-

MANILA, Philippines - Dumulog kahapon sa tanggapan ng Manila Police District Press Office ang isang 38-anyos na ginang hinggil sa pagkawala ng ka­niyang anak na unang ina­resto dahil sa pagsinghot ng rugby sa Ba­rangay 698, Zone 76, Re­medios St., Ermita, Maynila, kahapon ng hapon.

Ang 18-anyos na sina­sabing rugby boy ay di­nampot ng isang barangay tanod na nakilala lamang sa alyas na “Allan” at ilang pulis na na­kasuot ng sibilyan.

“Pinagtulungan nilang bugbugin ang anak ko, tapos hindi ko malaman kung na­ saan na siya nga­yon, wala siya sa presinto at sa ba­rangay,” ayon sa rek­lamo ni Gng. Mercy Pulido, walang permanen­teng tirahan.

Sa salaysay ng ginang, bandang tanghali nang ma­kita niya na sinasaktan ang bik­tima ng ilang tanod sa nasa­bing barangay at ilang pulis diumano na hindi na­man nakasuot ng uniporme.

Nilapitan niya umano ito ng sinasaktan at sa aktong susuntukin ni Allan ang tin­edyer ay itinulak niya kaya siya ang natamaan sa mukha.

Sinabihan pa umano ang ginang na “Gusto mo patayin ko ito!” ng isang pulis at ng tanod na si Allan dahil gumanti ng suntok si Ronnie sa tanod dahil ang ina niya ang tinamaan ng suntok na para sa kaniya.

Nagpa-medical umano si Mercy sa Ospital ng Maynila upang ireklamo ang panu­nun­tok sa kaniya subalit pag­balik niya ay saka umano inaresto ng mga ba­rangay tanod at pulis.

Nakaposas na ang kan­yang anak nang hampasin pa sa ulo at sinundot pa ng batuta sa tiyan at pinalo pa bago binitbit sa presinto.

Nang sundan niya sa presinto ang anak ay hindi ito matagpuan sa MPD-station-5 at hindi niya rin na­tagpuan sa barangay hall.

Nagpasaklolo sa media dahil sa takot na ma-salvage ang kaniyang anak ng mga galit na tanod at pulis.

Nang beripikahin ng media sa MPD-Station 5, wala umanong hinuling Ronnie Pulido sa ganoong lugar at posibleng hindi uma­no doon dinala ang nasa­bing rugby boy. (Ludy Bermudo)

DUMULOG

ERMITA

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT PRESS OFFICE

MAYNILA

MERCY PULIDO

NANG

NIYA

RONNIE PULIDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with