^

Metro

3 empleyado kinasuhan ng qualified theft

-

MANILA, Philippines - Inirekomenda kahapon ng Quezon City Prose­cutor’s Office ang pagsa­sampa ng kasong qualified theft laban sa tatlong empleyado ng Unitrex En­terprises matapos mapatu­na­yang hindi nagpasok ng koleksiyon noong taong 2007.

Kasabay nito, inatasan din ni Asst.State Prose­cutor Manuel Luis Felipe na maglagak ng tig-P42,000 piyansa ang mga akusadong sina Rosanna Castan, Ligaya Geonanga at Alfredo Regino para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

Nag-ugat ang kaso ng tatlong akusado matapos magsampa ng reklamo si Lolita Lim-Letaba nang hindi ipasok ng mga aku­sado ang koleksiyon na nag­kaka­ halaga ng P41,500 na kinuha ng mga akusado sa arawang upa ng mga suppliers na umuokupa sa kanilang mga ipinareren­tang booth.

Nabatid na noong Hulyo hanggang Agosto, 2007 ay ini-award sa Uni­trex Enterprise na may tanggapan sa Ortigas, Pasig, ang isang Bazaar Exhibit Project na nasa Farmers Plaza, Cubao, Que­zon City na kinilalang “Consumer Fair Project and the Women’s Essen­tials and Craft Fair Project”.

Sina Castan ang itina­la­ gang mga liason officer na naatasan mangolekta ng arawang upa ngunit P365,200 na koleksiyon ang pinasok nito sa halip na P406,700. (Angie dela Cruz)

ALFREDO REGINO

BAZAAR EXHIBIT PROJECT

CONSUMER FAIR PROJECT AND THE WOMEN

CRAFT FAIR PROJECT

FARMERS PLAZA

LIGAYA GEONANGA

LOLITA LIM-LETABA

MANUEL LUIS FELIPE

QUEZON CITY PROSE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with