Salpukan ng 2 motorsiklo: 2 patay
MANILA, Philippines - Dalawa katao ang nasawi matapos na aksi denteng magsalpukan ang kanilang mga sinasakyang motorsiklo sa isang madilim na lugar kahapon ng madaling-araw sa lungsod Caloocan.
Kapwa hindi umabot ng buhay sa San Lazaro Hospital sanhi ng mga tinamong pinsala sa katawan at ulo sina Junel Balajamonde, 15; at Ronnel Villalobos, 23.
Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-3:30 ng madaling-araw sa ka habaan ng Bagum bong Road ng naturang lungsod.
Nabatid, magkasalubong na tinatahak ng mga biktima ang naturang lugar sakay ng kanilang mga motorsiklo na parehong walang plaka nang bigla na lamang magsalpukan ang mga ito.
Ayon pa sa ulat, hindi gumagana ang headlight ni Villalobos kaya’t hindi ito napansin ng isa pang biktima dahil sa labis na dilim sa naturang lugar na nagresulta ng pagkaka banggaan ng mga ito.
Dahil sa lakas ng bang gaan ay kapwa tumilapon ang dalawang biktima na parehong walang suot na helmet na nagresulta ng pagkakapinsala ng kanilang ulo at katawan. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending