30 pang motorcycle cops ikakalat sa Metro Manila

MANILA, Philippines - Aabot sa 30 mga ba­gong graduate na miyem­bro ng Regional Mobile Group (RMG) riding cops ang isasabak laban sa mga organisadong sindi­kato at elementong krimi­nal sa buong Metro Manila.

Ito ang inihayag ka­hapon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Leopoldo Bataoil matapos na magpakitang gilas sa kanilang graduation cere­mony ang 30 mga bagong personnel ng Regional Mobile Group (RMG) riding cops sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Ang hakbang ayon pa kay Bataoil ay upang ma­pa­lakas pa ang anti-crimi­ nality campaign ng mga awtoridad na nagla­layong maipagpatuloy pa ang ta­gumpay ng NCRPO ma­tapos namang maging ‘zero crime rate’ sa bank rob­beries ang Metro Manila nitong nakalipas na dalawang buwan.

Pangunahing tututukan ng motorcycle riding cops, ayon pa kay Ba­taoil ang mga kriminal na binansa­gang ‘motorcyle riding in tan­dem’ na sang­kot sa rob­bery/holdup sa mga banko at iba pa. (Joy Cantos)

Show comments