30 pang motorcycle cops ikakalat sa Metro Manila
MANILA, Philippines - Aabot sa 30 mga bagong graduate na miyembro ng Regional Mobile Group (RMG) riding cops ang isasabak laban sa mga organisadong sindikato at elementong kriminal sa buong Metro Manila.
Ito ang inihayag kahapon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Leopoldo Bataoil matapos na magpakitang gilas sa kanilang graduation ceremony ang 30 mga bagong personnel ng Regional Mobile Group (RMG) riding cops sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.
Ang hakbang ayon pa kay Bataoil ay upang mapalakas pa ang anti-crimi nality campaign ng mga awtoridad na naglalayong maipagpatuloy pa ang tagumpay ng NCRPO matapos namang maging ‘zero crime rate’ sa bank robberies ang Metro Manila nitong nakalipas na dalawang buwan.
Pangunahing tututukan ng motorcycle riding cops, ayon pa kay Bataoil ang mga kriminal na binansagang ‘motorcyle riding in tandem’ na sangkot sa robbery/holdup sa mga banko at iba pa. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending