^

Metro

5 Indian nationals dawit sa human trafficking, timbog ng Bureau of Im­migration

-

MANILA, Philippines - Limang Indian nationals na hinihinalang sangkot sa sindikato ng human trafficking ang na­­harang ng mga operatiba ng Bureau of Im­migration (BI).

Kinilala ni Immigration Commissioner Mar­celino LIbanan ang mga naaresto na sina Harmail Kaur, Jaspreet Kaur, Mandeep Kaur Dhaliwal, Sarabjit Singh at Swaan Singh.

Sinabi ni Libanan na ang lima ay naharang sa Davao Inter­national Airport (DIA) matapos na dumating ang mga ito mula sa Singapore.

Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek sa BI-Davao detention center habang nakabinbin pa ang imbestigasyon sa mga ito.

Kaagad sanang ipababalik sa lugar ng ka­nilang pinagmulan ang mga Indians ng im­migra­tion officers subalit napansin na ang gamit na Philippine visas na nakadikit sa pasa­porte ng mga ito ay peke.

Inalerto din rin ni Libanan ang mga opisyal ng BI sa iba pang port sa katimugang bahagi ng bansa upang maging mapagbantay sa pagsala ng mga dumarating na dayuhan dahil sa maaaring gamitin ng sindikato ng human trafficking ang katulad na modus operandi na ginamit ng mga Indian national upang maka­pasok sa bansa.

Bukod sa mga pasaporte nagprisinta rin ang mga suspek ng pekeng dokumento na umano’y nilagdaan ng Philippine Minister Consul Antonio Morales na nagsasabing ang mga visa nila ay inisyu ng Philippine con­ sulate sa Kuala Lumpur, Malaysia. (Gemma Amargo-Garcia)

BUREAU OF IM

DAVAO INTER

GEMMA AMARGO-GARCIA

HARMAIL KAUR

IMMIGRATION COMMISSIONER MAR

JASPREET KAUR

KUALA LUMPUR

LIBANAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with