^

Metro

Pedicab driver tiklo sa marijuana

-

MANILA, Philippines - Natimbog ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 2 ang isang lalaking ‘front’ ang pagiging pedicab driver sa kanyang pagtutulak ng marijuana, sa isinagawang buy-bust operation, sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Inaresto ang suspect na si Jerson Osi, 24, ng Leandro Ibarra St., Tondo, dakong alas-10:30 ng gabi sa kanto ng Leandro Ibarra at Wagas Sts., Tondo.

Nauna rito may natanggap na impormasyon ang pulisya   hinggil sa transaksiyon ng suspect tungkol sa pagbebenta nito ng marijuana kung kaya sinubaybayan ito ng mga awtoridad at nagtalaga ng poseur-buyer para sa isang operasyon. Nang magbayad ang nagpanggap na buyer, si Osi at isa pang Erick Sabado ang humarap.

Mabilis na dinakip si Osi sa aktong hawak   ang marked money, habang si Sabado naman ay nakatunog at mabilis na nagtatakbo at tumakas.

Isang ‘brick’ ng pinatuyong marijuana na may bigat na 300 gramo at street value na P15,000 ang narekober sa pedicab na dala ng suspect. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ERICK SABADO

INARESTO

ISANG

JERSON OSI

LEANDRO IBARRA

LEANDRO IBARRA ST.

LUDY BERMUDO

MABILIS

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

WAGAS STS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with