^

Metro

1,260 kilo ng hot meat nasabat sa Quezon City

-

MANILA, Philippines - Nasabat ng mga elemento ng National Meat Inspection Service ng Depatment of Agri­culture (DA) ang may 1,200 kilo ng hot meat o botcha at 60 kilo ng Indian buffalo meat sa M-C Market ng Balintawak at Novaliches Market ka­hapon ng madaling-araw.

Ayon kay Dr. Rolando Mar­quez, Director ng Task Force Bantay Karne ng NMIS, takda sanang ibenta sa na­turang mga palengke ang mga iladong karne ng baboy bago nasam­sam na may halagang P100 bawat kilo at nasa P180 kada kilo naman ang buffalo meat.

Ang regular na presyo ng baboy kada kilo ay P170 at mahigit P200 naman ang kilo ng buffalo meat.

Nabuking ng NMIS na ini­hahalo ng mga tiwaling ne­gos­yante ang mga botcha sa mga sariwang baboy na may tatak ng NMIS para hindi mahalatang hot meat ang mga ito.

Istilo naman ng iba ay inila­lagay sa bayong at kariton at pasimpleng ibinibenta sa ka­nilang parokyano na nagha­hanap ng murang baboy o buffalo meat.

Pinag-aaralan na rin ng NMIS kung ibabaon nila sa lupa o gagawing pataba na lamang ang mga naturang karne para ma­­pakinabangan. (Angie dela Cruz)

DEPATMENT OF AGRI

DR. ROLANDO MAR

M-C MARKET

MEAT

NATIONAL MEAT INSPECTION SERVICE

NOVALICHES MARKET

SHY

TASK FORCE BANTAY KARNE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with