^

Metro

Call center agent, patay sa ambush

-

MANILA, Philippines - Patay ang isang call center agent makaraang tambangan ito at may ilang ulit na pi­nag­babaril sa ulo ng mga armadong suspect na pawang sakay ng isang Honda CRV, habang ang una naman ay sakay ng kanyang motorsiklo, kama­kalawa ng gabi sa Las Piñas City.

Namatay noon din sa mis­mong pinangyarihan ng in­sidente ang biktimang si Mark Davidson Razo, 42, call center agent at residente ng BF Homes, Parañaque City sanhi ng mga tama ng bala sa ulo nito.

Mabilis namang tumakas ang hindi pa kilalang mga suspect sakay ng isang silver gray na Honda CRV na hindi na nakuhanan pa ng plaka.

Batay sa imbestigasyon, ka­salukuyang tinatahak ng biktima dakong alas-9:45 ng gabi ang kahabaan ng Daang Hari Road, Almanza Dos patungong Ca­vite, sakay ng kanyang motor­siklo na may plakang NH 6331 nang biglang dikitan ito ng isang Honda CRV at agad siyang pinagbabaril sa ulo.

Ilang mga tauhan naman ng Police Community Precinct (PCP)-10 ng Las Piñas Police na hindi kalayuan sa lugar na pinangyarihan ng insidente ang agad na rumesponde matapos na makarinig ang mga ito ng mga putok ng baril.

 Tinangka namang habulin ng operatiba ang mga suspect subalit matulin na pinasibad ng mga huli ang kanilang sasakyan hanggang sa tuluyang maka­layo ang mga ito.

May hinala naman ang pulisya na may matinding galit ang mga suspect kay Razo dahil sa ulo pinuntirya ang bik­tima na ilang ulit pang pina­putukan upang matiyak na hindi na ito mabubuhay pa. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ALMANZA DOS

BATAY

DAANG HARI ROAD

ILANG

LAS PI

MARK DAVIDSON RAZO

POLICE COMMUNITY PRECINCT

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with