^

Metro

Ginang tinodas saka itinapon ng ka-live-in

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Isang ginang ang pinatay sa sakal ng kanyang kinaka­sama at itinapon pa sa isang bakanteng lote matapos umano ang isang mainitang pagtatalo hinggil sa pagiging babaero ng huli kahapon ng umaga sa lungsod ng Ca­loocan.  

Nakabalot ng carpet nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Melba Hasan, 38,   residente ng Sheraton Street, Copel Subdivision, Brgy. 184, Tala ng nabanggit na lungsod.  

Kasalukuyan namang pi­naghahanap ng mga ele­mento ng Caloocan City Police ang suspek na nakila­lang si Federico Javier, 36, ng   nasabing tirahan.  

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8 ng umaga nang ma­diskubre ang bangkay ng biktima sa bakanteng lote na matatagpuan sa Plaza Street, Copel Subdivision, Brgy. 184, Tala ng nasabing lungsod.  

Ayon sa pahayag ng isang Marlon Sison, 27, kapitbahay ng mag-live-in partner, ha­bang siya ay abala sa pagko-computer sa loob ng kanyang bahay bandang ala-1 ng ma­daling-araw ay nakarinig siya ng kahol ng mga aso.  

Sinabi pa ni Sison, kaagad siyang sumilip sa bintana at nakita nito ang suspek na may itinapong mabigat na bagay sa nasabing bakanteng lote.  

Napag-alaman pa na ang biktima at ang suspek ay ma­limit na nag-aaway hinggil umano sa pagiging babaero ng huli.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat na sa sakal na­matay ang ginang.

BRGY

CALOOCAN CITY POLICE

COPEL SUBDIVISION

FEDERICO JAVIER

MARLON SISON

MELBA HASAN

PLAZA STREET

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with