Salesman nagbigti

Hindi na umano makaya­nang hirap sa buhay ang dahilan ng pagpapatiwakal ng isang 22-anyos na salesman na nakitang nakabitin sa kanyang silid, kamakalawa ng gabi,  sa Tondo, Maynila.

Isang nylon cord ang tu­mapos sa buhay ng biktimang si Arnel Dumengco,  ng Canal dela Reina St., Tondo, May­nila. Ayon sa ulat, dakong alas-6:45 ng gabi nang masul­yapan ng isang kapitbahay ang naka­bigting si Dumengco sa tabi ng bintana ng silid nito.

Nabatid na dakong alas-2 ng hapon kamakalawa ng huling nakita ang biktimang tila balisa at malalim ang ini­isip. Nakuha sa silid ng bik­tima ang isang suicide note na nagsa­sabing “patawarin ninyo ako, hindi ko na kaya ang problema ko sa buhay.”

Hindi na pumayag ang pa­milya ng biktima na isailalim pa sa awtopsiya dahil nanini­wala sila na walang naganap na foul play sa pagkamatay nito.   (Ludy Bermudo)

Show comments