^

Metro

2 lady warden nasa 'hot water'

-

Dalawang lady jail wardens ang nasa balag ng alanganin   matapos na isailalim ngayon sa masusing imbestigasyon makara­ang matakasan ng mga preso sa kani-kanilang hinahawakang bilangguan.

Kinilala ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) chief, Director Rosendo Dial Jr. ang dalawa na sina J/Supt. Amelia Rayandayaan ng Manila City Jail Female Ward at Chief Insp. Mayla Chua ng Cainta Municipal Jail. Nabatid na unang natakasan nitong Pebrero 21 ang Cainta Municipal Jail kung saan nakapuga si Mandy Panganiban, dating empleyado ng municipal hall at nahaharap sa kasong pagna­nakaw.

Nakatakas naman nitong nakaraang linggo sa MCJFW si Anna Mae Livrando nang dumaan umano sa bubungan ng kulungan na hindi napapansin ng mga guwardiyang nagbabantay.

Nabatid na naging kontrobersyal si Livrando dahil sa modus-operandi nito na mamamasukan na katulong sa mayayamang pamilya at unti-unting lalasunin ang kanyang mga amo at saka nanakawan.

Kasalukuyan namang pinaghahanap pa ang dalawang naka­takas na mga bilanggo.  (Danilo Garcia)

AMELIA RAYANDAYAAN

ANNA MAE LIVRANDO

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CAINTA MUNICIPAL JAIL

CHIEF INSP

DANILO GARCIA

DIRECTOR ROSENDO DIAL JR.

MANDY PANGANIBAN

MANILA CITY JAIL FEMALE WARD

MAYLA CHUA

NABATID

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with