^

Metro

4 na nene ni-rape ng staff sa Boystown

-

Sinampahan ng kasong rape ang isang dating staff ng Manila Boystown sa Office of the City Prosecutor ng Marikina City makaraang tuhugin nito ang apat na menor de edad na pawang mga residente rin sa Girls Home Unit, Manila Boystown Complex, Parang, Marikina noong isang taon.

Si Marlon Victo ay kinasuhan ng 4 counts ng rape alin­sunod sa direktiba ni Manila Mayor Alfredo S. Lim na pag­bayarin ang suspect sa karumal-dumal na krimeng ginawa nito sa apat na mga kabataan noong isang taon.

Nagsilbing kinatawan ng Manila Social Welfare Develop­ment (MSWD) at ng apat na menor-de-edad na pawang itinago sa mga pangalang Isabel, Jennifer, Laila at Pilar sa paghahain ng kasong rape sa sala ni Prosecutor Cristina S. Sto. Domingo si Osita A. Mariano, Social Welfare at OIC ng Girls Home Unit ng Boystown.

Base sa sinumpaang salaysay ng mga biktima, lumilitaw na unang minolestya ni Victo ang 13-anyos na si Isabel sa sala ng Girls Home noong Setyembre 16, 2008 na sinundan naman ni Jennifer, noong Oktubre 5, 2008; Laila, Oktubre 22, 2008 at Pilar noong Oktubre 30, 2008.

May kani-kanya ring medical certificates ang mga biktima na nagpapatunay na sila ay tunay na hinalay ng suspect.

Matatandaan na noon pang isang taon ay sinibak na sa puwesto ang suspek na si Victo, gayunman ang pagkasibak nito ay hindi pa sapat kung kaya’t ipinag-utos ni Lim ang pagsasampa ng kasong rape dito.   (Doris Franche)

DORIS FRANCHE

GIRLS HOME

GIRLS HOME UNIT

JENNIFER

LAILA

MANILA BOYSTOWN

MANILA BOYSTOWN COMPLEX

MANILA MAYOR ALFREDO S

OKTUBRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with