Menor-de-edad isinama ni Lim sa matatandang preso

MANILA, Philippines - Tumanggi kahapon si Manila Mayor Alfredo Lim na sa reception and action center ng Depart­ment of Social Welfare and Development maku­long ang 16 anyos na tinedyer na si Joel Satuito na kabilang sa mga sus­pek sa pagpatay sa nurse na si Rosalie Turcolas sa Sampaloc, Manila noong nakaraang linggo.

Sa halip, inutos ni Lim na ikulong pa rin si Sa­tuito sa Manila City Hall District Special Project Unit kahit isa pa itong menor-de-edad.

Sinabi ni Lim sa isang pulong-balitaan na ka­ru­mal-dumal ang krimeng nagawa ni Satuito kaya dapat lang itong maku­long sa isang selda na ka­sama ng mga mata­tan­dang suspek.

 Ayon kay Lim, hindi nakakapagtaka na ma­ga­gawa ito ni Satuito da­hil nakatira ito ng valium bago isagawa ang kri­men. Ang pahayag na ito ang sinuportahan naman ni Juan Daniel Ges­mundo, 22, isa sa mga suspek na “kumanta” at nagturo sa pinagtata­guan ng mga kasabwat nito.

Bukod kay Satuito, na­dakip din maging ang mga kasamahan nito na sina Joseph at Jovit Sa­tuito, Edmond Gameng at Regie Santos. (Ludy Bermudo)

Show comments