Pasyente tumalon

MANILA, Philippines - Tumalon mula sa ikatlong palapag ng ospital ang 39 anyos na si Vicente Barasan dahil sa ’di na matiis na karamdaman nito dakong ala-1:00 ng hapon kahapon sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sa Caloocan City. Ang biktima ay may sakit na hypokalemia. Saglit lang na iniwan siya ng kapatid na si Merlin Verdadero sa kuwarto nito ngunit bigla na lang nagwala at tumalon mula sa bintana ang biktima. (Lordeth Bonilla)

Show comments