^

Metro

Snatcher nasabat

-

MANILA, Philippines - Isang 30 anyos na hinihinalang snatcher ang nadakip nang maaktuhang tumatakbo ng dalawang tauhan ng Manila Parking and Traffic Bureau habang dala niya ang hinablot niyang cellphone mula sa isang binatilyo, kama­kalawa ng hapon sa Tondo, Maynila.

Sa ulat ni SPO2 Eduardo S. Ortinez, nakatayo sa kanto ng C.M. Recto at A. Rivera habang nagte-text ang biktimang si John-John, 13-anyos, residente ng 2234 Anacleto St., Sta Cruz, Maynila dakong alas-3:00 ng hapon kamakalawa nang bigla na lang hablutin ang kaniyang cellphone ng suspek na si Elias Narag, may-asawa, residente ng #1021 Dagupan St., Barrio Menu, Tondo.

Napansin umano nina Jaime Jayme at Michael Marinas, kapwa nagmamando ng trapiko, ang paghingi ng saklolo ng biktima at agad hinabol ang tumatakas na suspek.

Dinala nina Jayme at Marinas ang suspek sa tanggapan ng Manila City Hall-District Special Police Unit kung saan ito ikinulong at nakatakdang sampahan ng robbery snatching­. (Ludy Bermudo)

ANACLETO ST.

BARRIO MENU

DAGUPAN ST.

EDUARDO S

ELIAS NARAG

JAIME JAYME

LUDY BERMUDO

MANILA CITY HALL-DISTRICT SPECIAL POLICE UNIT

MANILA PARKING AND TRAFFIC BUREAU

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with