^

Metro

Hiniwalayan ni misis, nagbigti

-

MANILA, Philippines - Isang 30-anyos na maintenance man na iniwanan ng kanyang asawa ang nagpa­ka­matay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa Pasig kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima ay kinilalang si Joel Ferrer ng J.P Rizal St., Centenial II, Nagpayong, Pinagbuhatan ng naturang lungsod.

Ganap na alas-2:00 ng madaling-araw nang matag­puan ang labi ng biktima na nakabitin sa kisame ng kanyang bahay.

Lumilitaw na bago naga­nap ang pagpapati­wakal, nagkaroon ng hindi pagka­kaunawaan ang biktima at asawa nitong si Jacel noong Sabado ng gabi matapos na paghinalaan ng huli na may ibang babae ang una.

Ang pagtatalo ay nag­tulak umano sa babae na umuwi sa bahay ng kanyang nanay.

Ito ang sinasabing nag­tulak din sa biktima upang tapusin ang kanyang buhay kung saan nagtext pa uma­no ang una sa kanyang asawa ng katagang “hinus­gahan mo agad ako” bago ito nagpasyang magbigti. (Ricky Tulipat)

CENTENIAL

GANAP

ISANG

JACEL

JOEL FERRER

LUMILITAW

P RIZAL ST.

RICKY TULIPAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with