^

Metro

Tatay ng suspek sa nurse slay isinabit

-

MANILA, Philippines - Isasampa ngayong Lunes ang kasong robbery with homicide laban sa dalawang nadakip na sus­pek sa pagnanakaw at pagpatay sa isang 22 anyos na nurse sa Sta. Cruz, Manila noong nakaraang linggo habang illegal possession of firearms naman sa ama ng isa na nakum­piskahan ng ginamit na baril sa krimen.

Ayon kay Sr./Insp. Mar­celo Reyes, hepe ng Investigation Division ng Manila City Hall—Special Police District Unit, si Roy Satuito, 16-anyos, na siyang sina­sabing utak ng grupo, ay pan­­sa­mantalang ikukusto­diya sa Manila Redemption and Action Center dahil sa da­rating na Marso 7 pa lamang siya tutuntong sa 17-anyos at sa susunod na taon, sa pagsapit ng ika-18 ka­­ara­wan, ay maari na siyang ilipat sa Manila City jail.

Kasamang sasam­pahan ngayon ng nasabing kaso si Edmund Gameng, tricycle driver, 29, na maari na uma­nong ipalipat sa MCJ, ha­bang nililitis ang kaso .

Hindi man sabit sa pan­loloob at pagpatay sa bahay ng biktimang si Rosalie Turcolas, kakasuhan naman ng illegal possession of firearms si Joseph Satuito, 39, ama ni Roy, dahil sa pag-iingat ng baril (Beretta) na ginamit sa krimen at nadis­kubreng pag-aari ng isang pulis na ninakaw ni Roy .

Patuloy pa ang pagtugis sa dalawang nakalalayang suspek na sina Ronnie Tehan, alyas “Kambal”, ng Cavite at isang alyas Chino, 40-anyos, ng Blumentritt, Sta. Cruz, Maynila.

Nabatid din kahapon na natukoy na kung saan na­ibenta ang laptop ni Tur­colas. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

CRUZ

EDMUND GAMENG

INVESTIGATION DIVISION

JOSEPH SATUITO

LUDY BERMUDO

MANILA CITY

MANILA CITY HALL

MANILA REDEMPTION AND ACTION CENTER

RONNIE TEHAN

ROSALIE TURCOLAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with